CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, March 22, 2009

Kwento ng buhay ko.

Hindi masyadong madrama ang buhay ko... pero hindi rin naman naging madali ang lahat.

Pastor ang tatay ko. Business woman naman ang nanay ko. Mabait naman sila pareho. Understanding. Caring. Loving. at never kami nagkaproblema sa pera. Lagi kasi silang nakakahanap ng solusyon tuwing malapit na kaming magipit. Wala kasing pera sa pagpapastor. Akala ng iba, kapag pastor ang tatay o nanay mo, sagana kayo dahil binibigyan ng simbahan... sa lahat ng panahon at bagay. pero hindi talaga ganun yun. Kasama sa paglilingkod ang pagbibigay. Kuntento naman ang buong pamilya sa kung anong dumating na biyaya. Simple lang ang pamumuhay namen. Parang isang maliit na barung-barong sa gitna ng syudad. Our life is perfectly simple... almost.

pero wala talagang perpekto sa mundong ito. walang perpektong buhay.

Lumaki akong may galit sa tatay ko. Mainitin kase ang ulo nya. Maliit na bagay, pinapalaki nya. at hindi madaling maging anak nya. Nung nagkaisip na ko, sabi ko, hindi talaga sya marunong magmahal ng pamilya. Mas inuuna nya ang iba kesa sa aming mag-ina sa lahat ng oras.

Lumaki din ako nang hindi pinoproblema kung bagay ba saken suot ko, o baka hindi ako maggustuhan ng crush ko nung gradeschool, o ng iba pang mga bagay na pinoproblema ng bata. Tandang tanda ko kung anong unang problema ko non... yun eh kung anak ba talaga ako ng parents ko... lagi kase nila akong iniiwan sa bahay, at madalas din akong sabihan noon na ampon lang ako... madaming umaaway saken kapag wala sila, at kahit magsumbong ako, parang hindi naman nila ako pinagtatanggol. Pinroblema ko din noon kung paano pakikitunguhan ang mga taong gumagawa ng masama sa pamilya ko... may pinagsamahan din kase... hmmm.... in short, hindi ganun kaganda ang mga alaala ko nung maliit pa ko.

Lumaki akong matapang at brusko. Sa galit ko nung maliit pa ko, sabi ko, walang makakaharang sa dadaanan ko. Lumabas ang tapang ko sa kilos, galaw, at itsura. Nagmukha akong siga. Tinago ko lahat ng makakapagpakita sa mahina kong pagkatao. Iniisip ko na kung magiging asal lalake ako, hindi nila ako kayang awayin... walang makakapagpatumba saken. Siga talaga. kuno. Kahit na laking simbahan ako, ganun ang takbo ng utak ko.

Madalas mapunta sa bingit ng kamatayan si Papa dahil sa mga umaaway sa kanya. Galit ako sa kanya pero naiisip ko din naman na pano na pamilya namen kung mawawala sya.

Nung hayskul, wala akong maramdaman na pagmamahal mula sa kahit na sino. Pakiramdam ko, madalas na ginagamit lang ako ng mga kaklase ko kase may pera kame... tipong naaalala lang nila ako kapag may kailangan. pero ayos lang sakin yun. Ginamit ko yung ganung sitwasyon para magkaroon ng madaming madaming kaibigan. pero front lang yun. kase wala talaga akong maramdaman.

Noon din, pinanindigan ko ang pagkalalake. (bahala na kayo kung anong gusto nyong isipin...) nung una, trip lang... wala kase talaga akong maramdaman na pamamahal. wala talaga. Hanggang sa umattend ako ng mga youth gathering. Mas malaki at mas matatanda ang mga kasama ko sa grupo. Naging matured na din ako... somehow. Nung sumasama ako sa mga praise and worship at youth gatherings, may kakaibang tuwa saken. Magaan sa pakiramdam, masarap sa feeling. Kumbaga sa nakadroga, high.

Tuloy lang ako sa pagsama sa mga ganung gawain sa simbahan. Kantahan, rakrakan... hehe... happenings. kakaiba kase. Sabi nila yung pagkahigh na yun, it's God showing His love to me... sabi ko, sige lang... paniniwalaan ko kung ano mga sinasabi nyo, kung yun, edi yun. pero wala talaga akong maramdaman. Bumabalik pa din ako sa puntong, naiisip kong magsuicide dahil walang nagmamahal saken. wala akong kasama sa buhay. ako at ako lang hanggang sa huli.

Hanggang magcollege ako. Ibang environment. pero ganun pa din ako. naghahanap ng pagmamahal mula sa iba.

Natuto akong uminom at ilagay sa utak ang alak, hindi sa tyan. Natuto akong magyosi, habang ang alam ng mga magulang ko, isa akong mabait na bata. walang bisyo, walang barkada na masamang impluwensya. malaki pa din ang tiwala nila saken sa kabila ng mga kalokohan ko nung hayskul. Hindi tumitigil ang paghahanap ko sa tunay na pagibig.

Alam ko mga limitasyon ko, pero hindi lahat.

May nakilala ako. Halos katulad ko din sya. pero mas okei sya saken, i think. walang bisyo, malakas ang charms, kaibigan ng lahat. Naisip ko na, kung kaya nyang mahalin ang ibang tao, baka sakaling, mahalin nya din ako.

We shared thoughts. I started trying to fix my ruined life, hoping and thinking na maiintidihan at posibleng mahalin nya din ako. but I became softer and weaker.

Until I realized na hindi na tama ang lahat. Hindi na tama ang pakikitungo ko sa kanya. Iniwasan ko sya panandalian.

I started turning to God, and asking the same questions... why?

Why of all people, why on earth, why am i like this and that...

then He kept on answering each on of them day by day.

Noon ko naramdaman yung hinahanap ko. yung pagmamahal. yung pagibig.

at tuwing lumalayo ako sa kanya, bumabalik ako sa dating mapaghanap ng pagibig mula sa iba.




(yun ang dahilan kung bat emo nnaman ako lately. nabigo na naman ako. sa iba at maling tao na naman kase ako naghanap. yun yun.)




hai. sana maayos pa ang mga gusot na ginawa ko.

0 comments:

 
Hire Me Direct