Alone Behind
Thursday, August 27, 2009
Orly's Alphabet Sentence by F. L. the Great
Posted by Debbie at 9:27 PM 0 comments
Monday, August 17, 2009
Procrastination
Procrastination is a behavior which is characterized by the deferment of actions or tasks to a later time.
From Wikipedia, the free encyclopedia
4:55am. After more than 4 hours of staying awake, I haven't done anything productive. My class is at 7:30 and I should be preparing for departure by now. I have an exam in Communications elective 2, yet I have no idea what to write on that paper I'll be facing later. Too bad, this thing called "procrastination" struck me. Or maybe, it wasn't.
All I want now is to be loved and fulfilled... run and be merry.
Posted by Debbie at 1:52 PM 0 comments
Labels: procrastination
My career.
It's been a while since I posted a blog here. Engineering has been enslaving me for a couple of months now. I can't remember the last time I poured out everything on virtual space. Oh well, I guess sometimes, keeping myself busy with things I could reap tomorrow is far better than remembering the moments of yesterday.
As of today, I still don't know where these hardships would take me.
Posted by Debbie at 1:43 PM 0 comments
Monday, August 10, 2009
I've learned.
[REPOST]
I've Learned - By Omer B. Washington
I've learned that you cannot make someone love you.
All you can do is be someone who can be loved. The rest is up to them.
I've learned that no matter how much I care,
some people just don't care back.
I've learned that it takes years to build up trust and only seconds to destroy it.
I've learned that it's not what you have in your life but who you have in your life that counts.
I've learned that you can get by on charm for about fifteen minutes.
After that, you'd better know something.
I've learned that you shouldn't compare yourself
to the best others can do,
but to the best you can do.
I've learned that it's not what happens to people,
It's what they do about it.
I've learned that no matter how thin you slide it,
there are always two sides.
I've learned that you should always have loved ones with loving words.
It may be the last time you'll see them.
I've learned that you can keep going
long after you think you can't.
I've learned that heroes are the people who do what has to be done
When it needs to be done,
regardless of the consequences.
I've learned that there are people who love you dearly,
but just don't know how to show it.
I've learned that sometimes when I'm angry I have the right to be angry,
but that doesn't give me the right to be cruel.
I've learned that true friendship continues to grow even over the longest distance.
Same goes for true love.
I've learned that just because someone doesn't love you the way you want them to
doesn't mean they don't love you with all they have.
I've learned that no matter how good a friend is,
they're going to hurt you every once in a while
and you must forgive them for that.
I've learned that it isn't always enough to be forgiven by others.
Sometimes you have to learn to forgive yourself.
I've learned that no matter how bad your heart is broken,
the world doesn't stop for your grief.
I've learned that our background and circumstances may have influenced who we are,
but we are responsible for who we become.
I've learned that just because two people argue, it doesn't mean they don't love each other.
And just because they don't argue, it doesn't mean they do.
I've learned that sometimes you have to put the individual
ahead of their actions.
I've learned that two people can look at the exact same thing
and see something totally different.
I've learned that no matter the consequences,
those who are honest with themselves go farther in life.
I've learned that your life can be changed in a matter of hours
by people who don't even know you.
I've learned that even when you think you have no more to give,
when a friend cries out to you,
you will find the strength to help.
I've learned that writing, as well as talking, can ease emotional pains.
I've learned that the people you care most about in life are taken from you too soon.
I've learned that it's hard to determine where to draw the line between being nice
and not hurting people's feelings and standing up for what you believe.
I've learned to love and be loved. I've learned.
Thanks ate isab. :)
Posted by Debbie at 5:17 AM 0 comments
Monday, April 6, 2009
spell my summer...
spell my summer...
...
bago matapos ang pasukan at magsimula ang bakasyon, I had a lot of plans...
Christmas vacation palang alam ko na mga gagawin ko ngayong summer.
1. Baguio.
I miss Baguio. sobra. the ambience. the temperature. malayong malayo sa manila.
at ang view... hay... hindi matutumbasan ng tagaytay...
2. Lessons
I was planning to take music lessons for this summer. I want to figure out kung ano talaga gusto kong tugtugin.. kung piano, guitar, o drums. Honestly, hindi ko pa talaga alam. Lakas kase makamagnet nung tatlo. PLUS! ayoko din mabansagang "Jack of all trades, Master of none". It's good. but I don't like it.
Kung saan, hindi ko alam. Kahit saan basta afford.
3. Gym
Summer + Vacation = TIME! madaming madaming time to get fit... fit para sa mas maliit na size ng damit. Mahirap maghanap ng damit para saken. Swear. Too big for the norms, yet too small for the plus size... at hindi lang sa damit ha. pati sa sapatos. I don't want to get stuck to this same old container forever.
4. Money
I want to have extra money para sa pasukan. next term na kase birthday ko. eh gustong regaluhan sarili ko ng something... coz I think every person deserves to be rewarded... kaya bibigyan ko ng reward sarili ko for being so clever to reward myself... (does that make any sense? haha.)
5. Stories
or kahit 'Story' na lang. gusto kong gumawa ng gumawa ng mga kwento. may kwenta man o wala. feel ko lang. dun ko kase nakikita yung worth ko sa mundo. pag nakakagawa ako ng mga kwento, tas pinapabasa ko sa iba, masarap sa pakiramdam yung makita ko yung mga reaction nila sa gawa ko. kahit laitin pa gawa ko, okei lang. mas okei yun. madaming rooms for improvement. :)
but guess what...
wala pa akong nagagawa kahit isa man dun.
coz I'm stucked in this house of ours, doing chores which leads to eternity.
as in. walang katapusang routine.
gigising sa umaga. magluluto. magliligpit. maghuhugas ng pinggan. maglilinis ng bahay. magluluto ulet. magliligpit. maghuhugas. maglilinis... etcetera etcetera etcetera.
ay! may trabaho pala ko. typing job. making money. na hinde. basta. mahabang paliwanagan.
yun.
di naman makaalis ng bahay kase walang kasama si lola at baka may dumating na mga clients, enrollees, at kung sino sino pang tao na hindi ko naman kilala.
yun.
ngayon ko lang talaga naramdaman yung gantong summer.
This vacation bores me BIGTIME!
and my summer spells,
Posted by Debbie at 11:58 PM 0 comments
Wednesday, April 1, 2009
Hindi kailangan ng girlfriend para mainspire.
"Hindi kailangan ng girlfriend para mainspire..." - Efren Penaflorida
Yown! haha! same as saying "Hindi kailangan ng boyfriend para mainspire..."
Kanina, nakikinig ako sa radyo. AM. 702 DZAS. Interview kay Efren Penaflorida, yung CNN hero na nagshshare ng knowledge and gospel sa mga street kids by a kariton. Balak ko talagang tapusin yung buong interview kaya naupo muna ko sa tabi ng radyo though malakas na sya.
Hemingway, ayun na nga... Interview interview...
then one of the hosts asked about his lovelife. at natuwa ako sa sagot nya imperness.
Hindi daw nya kailangan ng girlfriend... hmm...
ayos kuya! apir tayo!
wooooohhh!!! mabuhay mga single!
haha!
ako
certified NBSB.
pero syempre hindi naman ako bato para hindi magmahal kahit minsan sa buhay ko.
at hindi na dapat pinaguusapan yun. hehe.
hahaha!
basta. hindi kelangan ng someone para mainspire!
:D
Posted by Debbie at 1:11 PM 0 comments
Wednesday, March 25, 2009
first in three years.
For the first time, after almost three years of getting under someone else's watch...
following people...
trying to get along...
losing my personal space...
or rather taking their own personal spaces...
now i'm alone... with my crazy schedule...
no one knows what would happen on the next three months of my life.
but i'm pretty sure that it's going to be another roller coaster ride for me...
Posted by Debbie at 10:30 PM 0 comments
Sunday, March 22, 2009
Because I left. (Kwento ng buhay ko Part. 2)
3 days ago, I had this huge mistake. Actually, nagsimula sya, 2-3 weeks ago pa. Nanakal kase ako ng kaibigan for the same old reason. Naghanap kase ako ng pagibig mula sa kanya dahil lumayo ako kay God na nagpapadama saken ng hinahanap kong pagmamahal.
3 days ago, saka lang lumabas yung mga epekto. Yung maayos, gumulo. Yung bati, naging hinde. Yung masaya, nasira ng bonggang bongga dahil saken. Lumayo kase ako kay God.
I left His presence kaya eto nnaman ako. Nagkanda loko-loko nnman ang buhay.
At sobra akong nasaktan. Sobra sobra. Sinisisi ko sarili ko kung bakit pa ko lumayo.
pero iba na ako ngayon kesa dati.
Kung dati, suicide at pagbibisyo ang ginagawa kong solusyon sa problema. Ngayon hindi na.
It's all because of love.
The love I found in Him...
that He showed me the light.
He made everything clear to me...
that He can give everything I ever needed.
Posted by Debbie at 11:11 AM 0 comments
Kwento ng buhay ko.
Hindi masyadong madrama ang buhay ko... pero hindi rin naman naging madali ang lahat.
Pastor ang tatay ko. Business woman naman ang nanay ko. Mabait naman sila pareho. Understanding. Caring. Loving. at never kami nagkaproblema sa pera. Lagi kasi silang nakakahanap ng solusyon tuwing malapit na kaming magipit. Wala kasing pera sa pagpapastor. Akala ng iba, kapag pastor ang tatay o nanay mo, sagana kayo dahil binibigyan ng simbahan... sa lahat ng panahon at bagay. pero hindi talaga ganun yun. Kasama sa paglilingkod ang pagbibigay. Kuntento naman ang buong pamilya sa kung anong dumating na biyaya. Simple lang ang pamumuhay namen. Parang isang maliit na barung-barong sa gitna ng syudad. Our life is perfectly simple... almost.
pero wala talagang perpekto sa mundong ito. walang perpektong buhay.
Lumaki akong may galit sa tatay ko. Mainitin kase ang ulo nya. Maliit na bagay, pinapalaki nya. at hindi madaling maging anak nya. Nung nagkaisip na ko, sabi ko, hindi talaga sya marunong magmahal ng pamilya. Mas inuuna nya ang iba kesa sa aming mag-ina sa lahat ng oras.
Lumaki din ako nang hindi pinoproblema kung bagay ba saken suot ko, o baka hindi ako maggustuhan ng crush ko nung gradeschool, o ng iba pang mga bagay na pinoproblema ng bata. Tandang tanda ko kung anong unang problema ko non... yun eh kung anak ba talaga ako ng parents ko... lagi kase nila akong iniiwan sa bahay, at madalas din akong sabihan noon na ampon lang ako... madaming umaaway saken kapag wala sila, at kahit magsumbong ako, parang hindi naman nila ako pinagtatanggol. Pinroblema ko din noon kung paano pakikitunguhan ang mga taong gumagawa ng masama sa pamilya ko... may pinagsamahan din kase... hmmm.... in short, hindi ganun kaganda ang mga alaala ko nung maliit pa ko.
Lumaki akong matapang at brusko. Sa galit ko nung maliit pa ko, sabi ko, walang makakaharang sa dadaanan ko. Lumabas ang tapang ko sa kilos, galaw, at itsura. Nagmukha akong siga. Tinago ko lahat ng makakapagpakita sa mahina kong pagkatao. Iniisip ko na kung magiging asal lalake ako, hindi nila ako kayang awayin... walang makakapagpatumba saken. Siga talaga. kuno. Kahit na laking simbahan ako, ganun ang takbo ng utak ko.
Madalas mapunta sa bingit ng kamatayan si Papa dahil sa mga umaaway sa kanya. Galit ako sa kanya pero naiisip ko din naman na pano na pamilya namen kung mawawala sya.
Nung hayskul, wala akong maramdaman na pagmamahal mula sa kahit na sino. Pakiramdam ko, madalas na ginagamit lang ako ng mga kaklase ko kase may pera kame... tipong naaalala lang nila ako kapag may kailangan. pero ayos lang sakin yun. Ginamit ko yung ganung sitwasyon para magkaroon ng madaming madaming kaibigan. pero front lang yun. kase wala talaga akong maramdaman.
Noon din, pinanindigan ko ang pagkalalake. (bahala na kayo kung anong gusto nyong isipin...) nung una, trip lang... wala kase talaga akong maramdaman na pamamahal. wala talaga. Hanggang sa umattend ako ng mga youth gathering. Mas malaki at mas matatanda ang mga kasama ko sa grupo. Naging matured na din ako... somehow. Nung sumasama ako sa mga praise and worship at youth gatherings, may kakaibang tuwa saken. Magaan sa pakiramdam, masarap sa feeling. Kumbaga sa nakadroga, high.
Tuloy lang ako sa pagsama sa mga ganung gawain sa simbahan. Kantahan, rakrakan... hehe... happenings. kakaiba kase. Sabi nila yung pagkahigh na yun, it's God showing His love to me... sabi ko, sige lang... paniniwalaan ko kung ano mga sinasabi nyo, kung yun, edi yun. pero wala talaga akong maramdaman. Bumabalik pa din ako sa puntong, naiisip kong magsuicide dahil walang nagmamahal saken. wala akong kasama sa buhay. ako at ako lang hanggang sa huli.
Hanggang magcollege ako. Ibang environment. pero ganun pa din ako. naghahanap ng pagmamahal mula sa iba.
Natuto akong uminom at ilagay sa utak ang alak, hindi sa tyan. Natuto akong magyosi, habang ang alam ng mga magulang ko, isa akong mabait na bata. walang bisyo, walang barkada na masamang impluwensya. malaki pa din ang tiwala nila saken sa kabila ng mga kalokohan ko nung hayskul. Hindi tumitigil ang paghahanap ko sa tunay na pagibig.
Alam ko mga limitasyon ko, pero hindi lahat.
May nakilala ako. Halos katulad ko din sya. pero mas okei sya saken, i think. walang bisyo, malakas ang charms, kaibigan ng lahat. Naisip ko na, kung kaya nyang mahalin ang ibang tao, baka sakaling, mahalin nya din ako.
We shared thoughts. I started trying to fix my ruined life, hoping and thinking na maiintidihan at posibleng mahalin nya din ako. but I became softer and weaker.
Until I realized na hindi na tama ang lahat. Hindi na tama ang pakikitungo ko sa kanya. Iniwasan ko sya panandalian.
I started turning to God, and asking the same questions... why?
Why of all people, why on earth, why am i like this and that...
then He kept on answering each on of them day by day.
Noon ko naramdaman yung hinahanap ko. yung pagmamahal. yung pagibig.
at tuwing lumalayo ako sa kanya, bumabalik ako sa dating mapaghanap ng pagibig mula sa iba.
(yun ang dahilan kung bat emo nnaman ako lately. nabigo na naman ako. sa iba at maling tao na naman kase ako naghanap. yun yun.)
hai. sana maayos pa ang mga gusot na ginawa ko.
Posted by Debbie at 10:42 AM 0 comments
Saturday, March 21, 2009
after all.
hindi rin pala talaga ako nagiisa.
kasinungalingan kung sasabihin kong nagiisa lang ako sa buhay.
unang una, nandyan si God lagi sa tabi ko para umalalay,
kahit na sobrang pasaway ako... hindi kase ako marunong maghintay.
kaya madalas akong napapahamak. nasasaktan.
pangalawa, nandyan ang parents ko na hindi nagsasawa sa pangungulit saken
na ayusin ang buhay ko... hindi ko kase sila sinusunod.
laging ako nasusunod. kaya ayan... lugmok.
pangatlo, nandyan si cream ko na hindi ako matiis. :p
halos kasabay kong lumaki. at kung magkaproblema kame eh alternate.
yun nga lang... pag sya may problema, wala ako. pero pag ako, nandyan lang sya
kapag kelangan ko ng tulong. at para dun... humihingi ako ng pasensya.
pangapat, nandyan ang mga bakla at mukhang bakla kong friends.
kay bes, na lumilitaw lang sa harap ko pag may kelangan. pero ayos lang yun.
kay pare bespren, na laging nasa likod ko kapag broke at brokenhearted ako. :D
kay machong becky at malanding becky,
na napapasaya ng araw ko kapag nalulungkot ako
at effortlessly na gumagawa ng sariling lingguwahe at grammar pandagdag
sa bukabularyo ko.
panlima, nandyan ang bespren ng lahat, at ang mga bie ko na magugulo,
na hindi naman talaga nakikinig saken, pero lagi akong binibigyan ng free hug at jokes...
panganim, hindi ko malilimutan ang iba ko pang kasama sa industriya,
na bumubuo ng mundo para saken, bagong mundo para samen...
sa mga crush ko... kahit iniwan nyo ko sa larangan ng pagibig...
pampito, hindi pwedeng hindi ko banggitin si master, si des, si katuks,
si duy, si fishie, at si mine...
na palaging matibay, umulan, bumagyo, lumindol...
kapag iniwan ko sila, sa pagbabalik ko, nandun pa din sila, nakatayo...
at naghihintay na magkaoras ako para sa kanila.
and last, but not the least, sina chang at ading na pinilit akong intindihin,
nakinig sa mga excuses at kadramahan ko,
gumulo at nagpakalma sa makulit kong buhay,
at nagbigay daan din para makita ako ang napakaraming bagay.
Thank you.
Posted by Debbie at 2:47 PM 0 comments
not okay. really not okay.
it would hurt just the same.
sorry kung hindi ako normal.
mahilig akong magsorry.
kung paulit ulit.
kung makulit.
kung demanding.
kung nakakasakal.
kung nakakainis.
kung nagsselfpity.
kung nagkamali.
kung nagkasala.
kung nagkulang.
sorry kung hindi ko nameet expectations mo.
sorry kung naabala kita.
magulo.
kung malabo.
kung nagmukhang plastic.
kung hindi ko na kaya.
kung hindi magbago.
sorry ulit.
kung naging honest ako masyado.
para sabihin lahat ng mga hindi dapat sabihin.
kung nagplay safe masyado.
para maging iba ang dating sayo.
kung natakot.
hanggang humantong sa gamitan.
we all have reasons.
it's nobody's fault.
ayokong magsalita ng tapos.
pero sa ngayon,
gusto kong lumayo.
maging sobrang layo
para makapagisip ng mabuti.
sa lugar na hindi kita maiisip.
sa lugar na hindi ako magaalala sayo.
sa lugar kung saan malilimutan ko lahat.
kahit pa malimutan ko mga masasayang araw.
gusto kong lumayo.
kung pano at san.
hindi ko alam.
kung hanggang kelan ko mararamdaman lahat ng to.
hindi ko din alam.
sana bukas pag gising ko,
ayos na lahat.
sana bukas pag gising ko,
hindi nakita maisip.
sana kung mananaginip man ako,
hindi na ako magising sa panaginip ko.
sana hindi na lang ako lumapit sayo.
sana hindi na lang ako bumalik.
sana hindi na ko nagtanong.
sana hindi na ko naging plastik.
sana hindi na lang ako nanggamit.
hindi ko sinasadya.
lahat ng kasinungalingan.
lahat ng katotohanan.
hindi ko na alam.
Rule no. 2: Don't compare.
Rule no. 3: Don't demand.
Rule no. 4: Don't expect.
Rule no. 5: Keep both eyes and ears open.
better off alone.
Posted by Debbie at 6:34 AM 0 comments
Friday, March 20, 2009
CRC.
si CRC.
kahit maging 32 pa sya, hindi pa din kami bati. tsk.
umasa talaga ako. sobrang umasa ako. tapos ako din ang nasaktan sa huli. hai.
sinaktan mo ko CRC12.
hindi muna tayo bati ngayon. hindi muna kita kakausapin. nakakainis ka kase.
akala ko okei tayo. akala ko nagkakaintidihan na tayo. kilala mo naman na ako kahit na saglit lang tayo nagkasama ah... bakit mo ginawa saken to... :(
binigay ko naman lahat ng hinihingi mo. kahit hindi mo pa hinihingi na mga spare components, binili ko... binigay ko... magkasundo lang tayo.
pero binigo mo ako CRC12. binigo mo ko.
pinaasa mo ko.
nasaktan na nga ako, ako pa lugi...
syempre, ikaw na walang ginagawa saken, hindi ka nasasaktan...
binubuo lang kita eh... proto ka lang.
eh ako?! sobra na nga akong nasaktan, ako pa walang karapatan...
walang karapatang magalit sayo kase proto ka lang.
at kung magagalit ako sayo at aawayin kita, ako lang magmumukhang baliw...
kita mo na dinulot mo CRC?
next term, magtutuos tayo ulit.
humanda ka!!!
Posted by Debbie at 4:31 AM 0 comments
Narra.
Ang Narra.
Bow.
Napagalaman ko kanina kay Kuya Marco na sa Narra pala galing yung yellow thing na nagkalat sa skul these past few days. Autumn na autumn ang dating. It reminds me so much of Asianovelas, especially Meteor Garden sa scene na humaharurot yung mga kotse ng F4 tas parang mga talsik ng tubig yung yellow thing na nagkalat sa daan.
Kapag nakakakita ako ng mga ganun sa daan, tas ako lang o konti lang yung naglalakad, parang ansarap magemote... kapag ganun ang scenario, i feel happy and contented. yun ang hinahatid na feeling ng mga yellow things na yun...
para silang snow na kulay yellow.
Posted by Debbie at 4:16 AM 0 comments
3rd term S.Y. 08-09
so ayun na nga...
tapos na sya..
at bongga! more blog, more fun...
hmmm...
well...
syempre sisimulan ko ang lahat sa start.. hehe
mejo overwhelming yung nakaraang term para hindi ko masyado mafeel ang tension. relak na relak ako sa simula ng term na to. sabi ko, yakang yaka ko to... last term nga katatakuttakot na abala ang dumating saken pero keme lang... eto pa?! haha! yabang ko pa nun...
sumali ako sa workshop. master class for play writing. narealize ko na may iba pa pala akong talent, bukod sa paggawa ng mga kwento kung pano ako naleleyt kapag tinatanghali talaga ako ng gising at gusto ko lang makalusot dramatically... marunong pala talaga akong gumawa ng mga kwento... meron na kong apat na nagagawa. madalas love story.
bumili din ako ng scriptwriting manual ni ricky lee para maenhance sa aking skill. oh di ba. natuwa ako sa pagbabasa. may subject kase akong Readings in Philippine Contemporary Literature na hanggang ngayon hindi ko alam kung bat hindi pa sya taken.
eto ang listahan ng mga librong binasa ko:
1. Sa Tao ang Ngawa, Sa Diyos ang Awa by Ed Lapiz
Naengganyo akong bumili nun kase i find it interesting... tas parang swak sa tulad kong mahilig magsentimyento. Man complains, God answers.
2. Trip to Quiapo: Scriptwriting Manual by Ricky Lee
Sabi kase ni Sir Santi, maganda daw basahin yun for play writing students...
Natutunan ko na mas okei kung ikaw ang gagawa o tutuklas ng sarili mong daan patungo sa gusto mong puntahan... mas pogi pa kung mapaniwala mo ang lahat na nakarating ka sa lugar na dapat mong puntahan... in short, para kang gumawa ng sarili mong replica nung lugar. hehe. Natutunan ko din na sa loob ng bawat isa sa atin ay may maliit na tao... at habang nililimitahan mo sarili mo ng mga bagay na nasa paligid mo, lalong lumiliit yung taong yun. hanggang sa magmistulang robot ka na lang ng paligid mo.
Nahirapan akong hanapin yung librong yun. nabili ko sya sa Powerbooks sa Greenbelt. worth 180php... but for me it's worth more than that...
3. Philippine Contemporary Literature in English by Ophelia A. Dimalanta and Virginia M. Mata.
Binili ko kase required. mahal nga eh... almost 300php. at nagtataka ako kung pano nakapunta ang libro ng UST sa MIT. hmmm.... anyways, pinakagusto ko dun yung story Desire by Paz Latorena tska yung poem na A Kind of Burning by Ophelia A. Dimalanta. ang kewl nung story kase kahit pala noon, may mga insecure na din na "maria clara". I find the main character very strong yet weak inside... yung poem naman, kahit hindi ko sya talaga msyadong maintindihan, ang romantic.
we keep this distance
closeness will tug us apart
in many directions...
how we love the same
trivial pursuits...
we have been all the hapless
lovers in this wayward world
in almost all kinds of ways
except we never really meet
but for this kind of burning.
so aun na nga ulet.. lagi akong late sa subject na yun. at yun naman talaga ang purpose ko kaya nilagay ko sya sa umaga...
4. Electronic Communications Systems: Fundamentals through Advancing, 5th Edition by Wayne Tomasi
binasa ko talaga sya. for a while. kelangan eh. tska nachallenge ako. hehe.
pero tumigil din ako.
sabi nila, pag hindi ka kagandahan at hindi ka photogenic, ang lagi daw dapat issuggest WACKY!
pero hindi totoo yun. Natuwa ako sa DSLR. nagpictorial ang MT2. kasama ako syempre. at natuwa talaga ko. hehe.
At sa sobrang tuwa ko, hindi ako nakapagipon dahil bili ako ng bili ng tshirt. sa isang buong buwan, linggo-linggo ako kung bumili ng shirt. una yung, Dont Panic Just Live Life Fully ng Munky. sunod yung Patriotic Shirt ng ENCM. tas yung Mahalin Mo Naman Ako ng Mapua Tekno Teatro. pinakahuli yung Destiny Shirt ng ID. at hindi sila monochromatic! :)
maiba lang... narealize ko din, green shirts look good on me. hehe...
tapos, madami pang ibang nangyare na hindi na msyadong importante...
hanggang sa dumating sa buhay ko si CRC...
ang nagbigay daan sa napakaraming unos sa buhay ko.
pambihira sya.
hai.
next term magkikita kami ulet.
hihintayin ko ang muli naming pagkikita
at magtutuos kami!
sa kabuuan, natutunan ko na hindi pala talaga pwedeng maging perpekto ang mundo ko sa lahat ng bagay... My world's not a sugar-coated one. baket kamo?
Naging maayos at makulay ang pakikipagugnay ko sa mga tao sa paligid ko.
Nagkaayos kami ni Papa at okei na okei kami ngayon.
The rest is for me to know and for you not to find out. pero kung mapilit ka, gawan mo ng paraan para malaman at maikwento ko din sayo.
basta. lahat naging maayos...
pwera lang sa acads ko.
si CRC kase.
tsk.
hmmm... natutunan ko din na effective na pagbawalan mo ang sarili mo na magkaroon ng negative thoughts and actions kapag nagtatrabaho kase wala kang matatapos. pero hindi sya applicable sa lahat ng oras kase minsan kelangan nateng harapin ang reality.
Last Quote for the term: Tinimbang ngunit kulang...
:)
Posted by Debbie at 4:03 AM 0 comments
Wednesday, March 18, 2009
www.urbandictionary.com
Got this from friends...
Instructions: Go to www.urbandictionary.com type in your answer to each question in the search box, then write the definition it gives you. I guarantee you're gonna find some pretty hilarious results.
Then tag 15 of your friends.
- YOUR NAME: Debbie
- an extremely beautiful girl with amazing basketball and rugby skills. a girl who is not afraid to be herself and be fun.
- A debbie is a term for a desperate girl. Someone who waits all night trying to get into a packed club is so debbie, or someone who wants to get with you and the feelings aren't mutual, that's debbie.
- AGE: 19
- A secret code to tell a friend if a girl is really hot. 19 means-really really hard.
- Great Japanese rock band.
- ONE OF YOUR FRIENDS: Anne
- An attractive and classy young woman who lives up to the simple beauty of her name.
- A tall young lady with hair that changes color on a regular basis. Whenever she sees something slightly amusing, she bursts into convulsions of laughter that involve her shaking like she's about to explode, stamping her feet on the floor and pointing to the thing that she finds so hilarious. You can find Ann in her natural habitat, where she will be in a booth usually surrounded by people. You can pick her out of the crowd with her signature catchphrase "fuck my life". But when you get too close you are in danger of her throwing things such as World History textbooks at you or using umbrellas to forcefully hit you in various uncomfortable places, although most times she will simply sprawl across you and decide that moving would simply take too much work. The Anne, though, is a very kind and loving creature, with an impeccable sense of finding fun and adventure, and most who meet her love her to death, and I am no exception.(naks, tall daw... hahahaha!!!!)
- noun: Someone who goes into the pool with his/her clothes on and flounders about due to an inability to swim. (ang alam ko lang hindi sya mahilig magswimming...)
- WHAT SHOULD YOU BE DOING: Studying
- what you're avoiding right now
- FAVORITE COLOR: Green
- The best color in the world.
- To Be Mean or Fresh
- FAVORITE NUMBER: 14
- It is a lucky number as it follows the unlucky number 13
- the final year of becoming a child
- MONTH OF YOUR BIRTHDAY: June
- The month the hottest people in the world are born.
- The month in which the most awesome girls ever are born. June babies are sweet, caring, sexy, lovable and all around cuddly.
- A "hood" term meaning girl/woman
- A fairly uncommon girls' name presently. It was often used during the 1940s and 50s. If you meet a girl named June, you are lucky. They are few and far between. Often, women named June are opinionated and outspoken. Also, they emit an aura of confidence that makes them instantly attractive.
- LAST PERSON YOU TALKED TO: Mish
- A term that is used to describe a task that is considered difficult. Shortening of the word 'mission'.
- coolest person alive fo shizzle.
- (Adj): A way of describing a journey that is very far, usually when you really can't be fucked to make it. A mish is further than a trott, and would be more distance or more dangerous.
- ONE OF YOUR NICKNAMES: Deb
- Once in a millenium a woman is born who is both beautiful and fun to tickle under a shady tree. The person I am talking about is of course the most eligible bachelorette in the Northern Hemisphere. A woman of both grace and Christian morals, she is held in the highest regard worldwide. She certainly is the human race's finest being.
- Commonly used to describe a boob shoogler. One who shoolges ones boobs.
- The opposite of oobs: extremely bony, scrawny arms. Not necessarily found on anorexics or cancer patients. From Spanish "debil"="weak"
Posted by Debbie at 6:34 AM 0 comments
Saturday, January 10, 2009
The Black Nazarene
Yesterday was a huge day for those fantatics.
Sana lang alam nila kung ano ang kanilang ginagawa.
I'm not against any religion. I have nothing against them.
Ang akin lang...
Kung mahawakan nila ang itim na kahoy na tinatawag nilang Nasareno, mababago ba ang kanilang mga buhay? Mababago ba nito ang mga pananaw sa buhay?
Mabibigyan ng pagasa dahil yon ang pinaniniwalaan nila... pero mapapagaling ba sila nito?
Sa mga may sakit, mga pilay na ilang taon nang namamanata sa Nasareno, nakalakad na ba sila? Nabago ba ng kanyang pananampalataya sa Nasareno ang takbo ng kanyang pamumuhay? ang paligid niya? ang buhay nya?
Sa mga gustong magpalinis sa kanya ng kasalanan, pagtapos ba ng pagpapakahirap at pakikipagsiksikan nya kahapon, nabago ba ang kanyang buhay? hindi na ba sya nagmumura, umiinom, nandaraya ng kapwa o ng kanyang sarili?
Sa mga nagsasabing mahal sila ng Nasareno, sa palagay mo ba ay hahayaan ka nyang masaktan at mahirapan kung talagang mahal ka nya? hahayaan ba nya ang 270 na katao ang masaktan, maging magulo at mawalan ng kontrol?
Kung totoong naghihimala ang itim na Nasareno, bakit hindi pa rin nagbabago ang buhay nating mga Pilipino, gayong marami ang nananalig sa kanya at nagdarasal na mabago ang kanilang buhay?
Ito po ay opinyon ko lamang at wala akong balak makipagaway o makipagdebate.
Ang akin lang...
Mahigit dalawang libong taon na ang nakakalipas nang namatay sa krus, at muling nabuhay si Hesus, ang anak ng tunay at buhay na Dios... higit pa sa sapat para bayaran lahat ng ating mga kasalanan... naghirap at nagdusa para tubusin tayo mula sa kaaway.
sabi sa Bibliya,
"Gayon na lang ang pagsinta ng Dios sa sanlibutan at ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Juan 3:16)
"Sinabi ni Hesus sa kaniya: Ako ang Daan, ang Katotohanan at ang Buhay. Walang sinumang makakapunta sa Ama maliban sa pamamagitan ko." (Juan 14:6)
Sabi ni Hesus,"Kayong lahat na napapagal at nabibigatang lubha, pumarito kayo sa akin at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok at mag-aral kayo sa akin sapagkat ako ay maamo at mababang-loob. At masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa." (Mateo 11:28-29)
tanging si Hesus lamang.
walang sinuman o anumang makakatugon sa lahat ng kailangan naten kung hindi si Hesus lamang. Sya lang ang dapat tawagin, sambahin at papurihan.
hindi ka naniniwala? bakit hindi mo subukan...
humingi ng tawad sa lahat ng mga kasalanan, aminin ang lahat ng ito at magpalinis sa Kanya. tanggapin na Sya lamang ang maaaring makapagbago sa iyong buhay. tanggapin Sya bilang tagapagligtas. ipagkatiwala mo simula ngayon ang iyong buhay sa Kanya at hayaang Sya lamang, si Hesus lamang ang magpatakbo ng iyong buhay. manalangin ka sa pangalan ni Hesus.
pagkatapos gawin ito. magbasa ka ng Bibliya para malaman ang marami pang katotohanan. manalangin na bigyan ka ng karunungan para maunawaan ang lahat ng nabasa mo sa tulong ng Banal na Espiritu.
kung meron kang tanong, magiwan ka ng comment.
Salamat. God bless.
Posted by Debbie at 1:56 AM 0 comments
Thursday, January 1, 2009
Old and New
Old... I'm getting older...
New... new year kase...
Masaya ako.
para sa nakalipas na taon na punong puno ng emosyon at pakikipagsapalaran, masaya ako. kahit pa may sakit ako nang nagsimula ang taong 2008 at tinapos ko naman nang walang pera at walang kinakain... masaya pa rin ako.
empty handed but fulfilled... wala akong pinanghahawakan na kahit ano kundi pangarap at pagasa para sa darating na taon. lahat nakahang pwera lang ako. isa bagay lang ang sigurado sa buhay ko ngayon. yung love ni Lord para saken... sa ating lahat.
maraming nangyare sa buhay ko noong nakaraang taon. una yung isang linggong pagkakasakit ko. then, nagchampion ang committee namen (News) nung active pa ko... at kasabay non yung pagkalaslas ng bag ko sa may estrella. tapos, yung major prod na rhino, ang unang beses ko sa entablado bilang theatre actor, na halos malamog lahat ng muscle ko sa katawan... at yung halos isang buong taon akong may binagsak na subject. wala pa dun yung mga tantrums at sumpong ko... :( konti pa lang yan sa lahat ng nangyare nung 2008.
thank God at buhay pa ko.
parang isang rollercoaster ride... mabilis... magulo... maraming dinaanan... ang pinagkaiba lang ng pagsakay sa rollercoaster at ng buhay ko eh hindi naman ako nasusuka ngayon at nahihilo... sakto lang... pangks nga eh... :D wakenwol...
ayun...
:)
hindi ko alam kung ano ang mga pwedeng mangyare para sa 2009.
I just hope and pray for the better...
hmm... the best is yet to come... sana...
sa lahat ng nasaktan ko, sinasadya man o hinde,
pasensya na...
sa mga napaligaya, napasaya, napatawa at napahalakhak,
pakabaliw lang tayo... wankenwol!
sa lahat ng naasar, nainis, nagalit at napoot saken,
peace man! :D bati na tayo...
sa mga minahal, minamahal at mamahalin ko,
laybu! misyu! mwahugs! tsup tsup! :S
sa lahat ng nagmamahal saken,
sana hindi kayo magsawa sa pagpapasensya saken... world peace.
Goodbye, 2008...
Hello and welcome, 2009!
~debbie, debbiesaur, deborah~
Posted by Debbie at 11:28 PM 0 comments
