hai...
parang alarm ring tone...
a voice calling my mother's name woke me up...
surprisingly, that voice is from someone about 30ft away from me, yet is sounded as if i was just next to that person!
upon hearing it, dali-dali naman akong bumangon to check kung sya nga talaga yun...
aba akalain mong sya nga!
grabe... ganun ko ba talaga sya ka-mis para marinig ko boses nya...
ahai...
ingat na lang... :)
Saturday, September 27, 2008
magandang gising...
Posted by Debbie at 11:41 AM 0 comments
Friday, September 19, 2008
ako ay isang polar bear...
some people look up to me.
yung iba naman, mababa tingin saken.
okei lang yun...
wala akong pakelam. di naman kase close kaya okei lang.
hai.
andami kong pasakalye...
Tanong: baket?
hindi ko kase kayang sabihin ng derecho.
ganito na lang...
bahala ka na kung san mo gusto ilagay ang sarili mo. basahin mo na lang.
game... eto na...
hmmm...
pinipilit kong maging gawin ang mga bagay kahit labag sa kalooban ko kung minsan, dahil mahal kita. siguro, nakikita mo ko. pero wala kang pakelam. inaaway ko sarili ko kapag hindi ko nagagawa mga gusto mo. kapag naddisappoint kita. nagagalit ako sa sarili ko kapag may nasasabi ako na hindi nakagaan sa loob mo. gusto kong magkaroon ng konting puwang jan sa puso mo kaya nga pinipilit kong maging karapatdapat para sa puwang na yon. nagbabakasakali na makasingit sa napakaraming taong mahal mo. at hindi ako kasali sa mga yon. madalas nasasaktan ako. pero hindi ako makareklamo. kase nga, gusto kong maging parte ng masaya mong buhay. gusto ko ding maging masaya tulad mo.
ang kaso, hindi nga ako perpekto para magustuhan mo. tao din ako. nagkakamali. kaya sigurado akong hindi ako yung hinahanap mo. marami akong kapalpakan. at karamihan sa mga yon, nakita mo na. ang tanging magagawa ko lang eh sundin lahat ng pinapagawa mo saken. at kung kaya ko pa eh, maski yung mga hindi mo pinapagawa basta alam kong makakapagpangiti sayo, kahit korni, cheezy, at kung ano pang tawag dun... lahat ng kaya kong gawin, kahit yung hindi kaya, pipilitin kong gawin para lang jan sa maliit na espasyo sa puso mo.
ang maipapangako ko lang sa ngayon ay ang oras at effort ko. at kung anumang tawag sa mga binanggit ko kanina.
hangga't pwede, ayokong maglihim sayo. i want you to see THE REAL ME. eto lang talaga. hindi ko kase pwedeng sabihin ng direkta sayo. pag sinusubukan ko kase, nasa introduction palang ako, barado na kagad... natatameme na ko. (anu pa nga ba).
sa natatandaan ko, last year yon nung sinabi kong mahal kita. ang reply mo lang saken eh... "kei"... parang hindi ka naniniwala. sabi ko nga hindi ko sasabihin yon, unless i really mean it. concerned ako sa lahat ng concerned sayo. pati sa mga taong concerned ka.
inlab ba ko? hinde. nagmamahal, oo.
alam ko, hindi magtatagal, magkakahiwalay din tayo. pero sa ngayon, gusto kong magpretend na everything that happens now between us would be forever. hehe... parang questionable yung "between us" no?! :)
basta. sa ngayon, gagawin kong maging laging nandyan para sayo. pipilitin ko laging hindi umalis sa tabi mo, umulan man o umaraw. gagawin ko.
salamat nga pala sa lahat. pag nanghihina ako, tinutulungan mo kong bumangon. salamat dahil hindi mo ako pinagtatabuyan kahit pinagpipilitan ko sarili ko sayo. salamat kase hinahayaan mo akong makinig sa lahat ng mga sasabihin mo. salamat kase hinahayaan mo ako na makinig sa mga hinaing mo. salamat sa tiwala. kahit konte. o kung meron man... (umaasa pa rin ako na meron...)
ayun....
madami pa kong sasabihin... next time na lang ulet...
:D
Posted by Debbie at 5:59 PM 0 comments
